Rebyu: Finally Found Someone

Nagyaya manood ng sine ang nanay ko nung Sabado. Nagulat ako. Hindi mahilig lumabas ng bahay ang nanay namin. Mas gugustuhin pa nga nya magtigil na lang aa bahay at magsagot ng crossword puzzles nya.

So ayun na nga, pumunta kami sa SM Megamall. Pinapili ko ang nanay ko kung Finally Found Someone o Kita Kita ang papanoorin namin. Sabi nya yung kina Sarah daw, next time na lang daw yung isa. Eh di alright kahit deep inside gusto ko na manood ng movie ni Empoy.

Nalate kami ng ilang minuto dahil di namin agad nahanap yung Cinema 4, eh sa may cinema 7-10 pala kami bumili ng ticket. (My gahd, bakit ba kasi magkahiwalay mga  sinehan ng Megamall?!??) Sayang, gustong gusto ko pa naman manood ng mga trailers ng pelikula sa sinehan. 

[SPOILERS AHEAD]

Nagsimula ang movie kay Sarah o “Aprilyn” ang “ChosBride” na naiwan sa altar. At dahil nga ang movie na ito ay romcom, nilaan ang first 5 minutes ng pelikula para sa mga crazy attempts at tactics ni “Aprilyn” para mahanap ang Ryan niya. Nakakatawa naman ang mga eksenang ito, feeling ko lang naging “OA” ang acting ni Sarah bilang desperate bride. Kumbaga kung ang hininging requirement ng direktor ay 100%, ang binigay niya ay 150%. May butal. Nasobrahan. At dahil nga nasobrahan di na naging kapani-paniwala. Hindi lang sa mga comedic scene ito naging parang “OA” or “off” ang acting ni Sarah. Kahit yung mga eksenang brokenhearted siya, medyo mararamdaman mo yung pagpilit ng lungkot? Nako ewan ba. Baka siguro dahil  masaya ang personal lovelife nya, nahirapan siya sa iportray ang emotions na hinihingi sa kanya. 

Punta naman tayo kay JLC, kay Lloydie, kay John Lloyd!!! Iba si John Lloyd, di lang siya artista para siyang kaibigan mo, siya yung taong iiyak para sa’yo. Ooops ibang pelikula na pala ‘to. Okay back to FFS. Workaholic Public Relations Manager si John Lloyd dito. Medyo similar sa role nya na Miggy sa AVSL. Ang pinagkaiba lang siguro ay di sya anak mayaman dito kundi isang middle class na may mga middle class na problema. Lubos sa trabaho si JLC or Raffy sa pelikulang ito. Dahil sa mga responsibilidad sa pamilya, kailangan niya ipagpaliban yung mga personal niyang pangarap. Acting-wise, wala akong problema kay John Lloyd, syempre si John Lloyd yan eh. Nadedeliver nya yung tamang kilig kapag kasama niya si Sarah sa isang eksena. Nandun pa rin naman ang chemistry nilang dalawa. At damang dama ng audience lalo na yung mga sumisigaw na “kinikilig ako!!!!!” Mapapatawa ka na lang talaga.

Balik pala muna tayo kay John Lloyd. Lumitaw ang acting skills nya sa eksena nya with Ms. Tetchie Agbayani, ang nanay nyang iniwan sila at pagkabalik nagkaroon ng dementia. Nung hinarap na sya ni John Lloyd at sinabing, “Sorry napapagod na ako. Napapagod na ako Ma.” Shet feeling ko napaiyak ako ng slight. Sobrang sucker ako for family drama movies (e.g. Four Sisters and a Wedding).

Umiikot ang pelikula sa tema na “Love deserves the truth”. Kung nagmamahal, magpakatotoo. Ewan ko lang, may pagkapilit lang ang paglatag ng tema na ito. Dahil siguro naramdaman ko lang sya mga 1hr into the movie, nung pinakita na yung mga honesty cookies ni Aprilyn. Wala naman akong problema sa core messag nila siguro sa naging delivery lang. 

Maliban sa mga cookies na integral sa core message ng pelikula, nandyan rin ang Two Truths One Lie game na nilalaro nina Aprilyn at Raffy. Madalas ginagamit para pag-usapan ng dalawa ang mga issue na di basta basta maisingit sa dialogue (e.g. iniwan si raffy ng nanay nila) Nandyan rin ang mga “letters” at “Dear Future Husbad/Wife” echos nina Aprilyn at Raffy para masabi ang di nila masabi ng diretso. (e.g. Sorry, Thank You, Bati na tayo)

Overall, okay naman ang pelikula. Kung bibigyan ko ng rating siguro, 7/10?  Walang bagong naoffer ang movie na ito. Formulaic. Predictable. Pero di naman mapagkakaila na feel good movie ito.  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s