Nung minsang napadaan sa The Palace

Habang tintingnan ang mga photos sa luma kong phone, nakita ko ang picture ko with college friends sa The Palace. Kung kilala mo ako nung high school, siguro di mo ako maiimagine na pumunta sa club at mag-“tugs tugs tugs”. Sa totoo lang, di naman talaga ako dapat pupunta. Nahila lang ako ng mga : “Last na naman ‘to” at “Gagraduate ka naman na, sige na” at “Para maexperience mo naman magcollege party.” At ayun na nga…

First time ko pumunta sa isang club. Siyempre inexpect ko na madilim at maingay. Ang di ko lang talaga inexpect ay yung may bayad na mga upuan!!! (Buti na lang nagsneakers ako instead of heels. At buti na lang may mahabang bench dun sa CR ng mga babae.) Nakatayo lang kami dun sa may mga  minitable (ano nga tawag dun?) na nakaset up sa may harap ng stage. 

Karamihan sa mga tao ay galing sa college namin. Malamang, college party nga diba? Pero syempre meron pa ring ibang tao na customers talaga ng club, maraming foreigners. Marami ring mga yuppies na mukhang fresh from work. Marami ring mga, uhm, female escorts. 

Free flowing yung drinks hanggang 12 midnight. Vodka soda lang at rum coke. Kebs lang yung lasa. Di masarap. Ewan ko ba. Baka pang Drews lang ata tastebuds ko (or baka kulang ng betsin hahahaha). 

Music was okay. Masaya sumayaw pag kasama mo mga friends mo. Masaya pag alam mo yung kanta at feel yung beat (e.g. Shape of You) Pero madalas “keri lang” yung mga kanta. At pag minsang nahahype ka na, dun naman bumababa yung energy ng tugtog, biglang nawawala. Anyway, the best pa rin nung pinatugtog nila yung  Mr. Brightside!!! 

*guitar intro plays*

me: aaaahhhh!!!!!!

“COMING OUT OF MY CAGE AND I’VE BEEN DOING JUST FINE!!!!!!!”

Man, this is my song! Kebs na kahit wala naman akong naging jowa na nanloko sa akin. Sobrang saya at nahahype ako everytime na pinapatugtog to. Di ko nga maalala kung paano ko ‘to nalaman. Isa siya sa mga kantang “alam mo na” – tipong innate na sayo ganun. Ewan di ko maexplain. Basta kasama siya ng mga kantang “The Middle” at “All the Small Things”. Parang may youthful at positive vibes akong nafifeel everytime napapakinggan ko sila. 

Isa pa, dahil dito sa Mr. Brightside mas lalo kong narealize na pang concerts talaga ako at di pangclub. Mga up fair, musiklaban, oktoberfest. Okay lang sa akin tumayo nang matagal sa harap ng mga banda. Pero sa club di ko talaga kinakaya. 

Anyway, back to Valk experience. Haha. Pwede ka pala magcross over(?) from Valk to Pool Club. (Or idk baka tumakas lang kami kasi yung ticket namin pangValk lang.) Mas gusto ko yung ambience ng Pool Club. Mas open at mas maganda yung music!!!!  Medyo mainit lang naman dahil walang aircon, pero mas makakagalaw ka at makakausap yung mga kasama mo nang maayos. 

Tapos syempre mawawala ba naman yung mga taong nagmomol na lang bigla sa harap mo at yung mga taong creepily mag-hi sa’yo. Syempre nandun silang lahat at naglipana.

So ayun, kaya naman makasurvive as long as you’re with friends. Umuwi kami ng mga around 2am. Kasi sabi nga ni Tito Ted Mosby, nothing good ever happens after 2am. Pagdating namin sa condo ng friend ko, umorder kami ng Jollibee. 

All in all it was a good night.

(My only good photo of that night.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s