yung eksena nina maricar at bea sa loob ng kotse

“i think you’re holding on to moments”- sabi ni Maricar kay Bea

 

Noong isang linggo, bumaba ako sa sala para gumawa ng acads. Nakabukas ang TV at nakalagay sa Cinema One. Pinapalabas ang medyo flopped movie nina Bea at Dingdong kasama sina Liza at Enrique. Ililipat ko na dapat ang channel nang mapatigil ako sa eksena sa pagitan nina Bea Alonzo at Maricar Reyes. Napanood ko na ito dati pero bakit parang ngayon lang siya nagmake-sense sa akin. Ito ang eksena nila:

Video from: Youtube

This scene is probably one of the most logical scenes in a in-love-ako-sa-bestriend-ko movie. May punto si Ate Maricar (maka-Ate ano.Hahaha). Madalas we look past a person’s imperfection kasi we’re holding on to these moments na pinaramdam nila sa atin na mahalaga tayo sa kanila.

So what kung nag-organize siya ng surprise debut? Na dinalhan ka niya ng pagkain nung may sakit ka? Na tinext ka niya in the middle of the night para lang kamustahin ka? Na sinamahan ka niyang mag-allnighter?  Na umalis kayo on spontaneous trip?

Sapat na ba yun?

Sapat na ba panghawakan yung mga moments na yun?

Kasalanan ng mga lintik ng mga moments na yan kaya may mga taong umaasa at may mga taong nagpapaasa kahit ayaw naman nila magpaasa.(ano daw?)

Siguro tama si Ate Maricar. Wag lang tayo kumapit sa mga moments na yun. Magmahal tayo di lang sa mga bagay na ginawa nila para sa atin. Magmahal tayo ng buo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s