Ang mga banda, ang octopus, at ang mga lumilipad na condom

 

First time ko mag UP Fair.

Third year na ako sa UP at ngayon ko lang talaga naisipan na pumunta. Nung una hesitant pa ako. Sa totoo lang tinatamad.Pero napaisip ko, this time next year, graduating na ako. Busy sa paggapang ng thesis.HAHAHAHA. At isa pa, 10 am pa naman ang pasok ko kinabukasan at may 4 hour break ako sa hapon, pwede pa ako makabawi ng tulog. Pero ang totoong nakakumbinsi talaga sa sarili ko…ay ang sarili ko. Alam mo yung part ng utak mo na madalas na nagsasabi na “Go! Gawin mo yan! Masaya yan!”kapag nakakaharap ka sa isang sitwasyon na mukha ngang masaya pero alam mong di nakakabuti sa’yo? Id daw yung tawag dun sabi sa Psych. Madalas sinusupress natin ang Id kasi madalas kung anong gusto nito ay di nakakabuti  para sa atin. Well, nung gabing iyon. Nung gabing nagdedecide ako kung pupunta ba ako or hindi, kung sasagutin ko ba ang pangungulit sa akin ni M or hindi, pinairal ko ang kagustuhan ni Id.

Pagkatapos kumain ng pizza shawarma (o shawarma pizza ba ang tawag dun?) at mausukan sa kainan ng chicken bbq at ano pang ihaw ihaw, napagdesisyunan namin ng mga kasama ko na sumakay sa “Octopus” Ride. Habang nakapila, tinitingnan namin yung mga nakasakay. Mukha namang masaya sila. Mukhang nakakatakot pero parang di naman nakakamatay. Katabi ko sa pila si M (no, hindi siya si M ni refer ko sa taas^) Anyway, kinakabahan daw siya. Sabi ko naman, wala akong maramdaman. Totoo yun. Alam ko DAPAT kabahan ako kahit kaunti pero wala eh. Wala talaga. Hanggang sa makasakay na kami sa ride at nagsimula na itong umandar. Noong una, medyo okay naman hanggang sa umakyat, bumilis and the rest is history.

Ito lang naman yung mga sinisigaw ko sa loob ng halos 3 minutes (?) na nakasakay dun:

 

  1. Shettttttt!!!!!!!!
  2. Tama na!!! Ayoko na!!!
  3. Shet!! Gagragraduate pa ako!!!
  4. Ayoko pa mamatay!!! Ayoko na!!!
  5. Repeat 1-4

At ito naman yung tumatakbo sa isip ko habang sumisigaw nito:

  1. Paano kung ako yung unang UP student na mamatay sa ride na ito? Shet, nakakahiya.
  2.  Saan kaya matatapon yung katawan ko pag nasira ang ride na ito?
  3. Sayang yung pinuyat ko kung mamatay lang ako at di gagraduate.
  4.  Shet. Ang pangit naman ng pagkamatay ko. Ganito lang.

image

Pagkatapos, sumakay naman kami sa Vikings ride. Kami tatlo lang ni M at A ang sumakay. Naiwan sina J at M sa baba. Less exciting ang Vikings ride compared sa Octopus. Pero mas naenjoy ko yung view kasi this time nakabukas na ang mga mata. Ang ganda ng scene! Ang daming tao! Ang sarap ng feeling!

image

So pagkatapos ng mga rides, lumapit na kami doon sa may mga banda. (P.S. Sinulat ko na ang parte na ito, 1 month after ng UP Fair so baka mali na yung pagkasunod sunod ng mga banda). Basta naalala ko medyo malapit na kami sa harap nung tumugtog yung Chicosci. Grabe ang taba na ni Miggy Chavez nung huli ko siya nakita HS pa ako at ang payat payat nya pa noon.

Nung tutugtog na ang Join the Club medyo umalis na sila dalawa sa gitna at pumunta sa may gilid, napapagod daw sila, upo muna sila sa may grass doon. Kasama  kong naiwan sina M at M. Super enjoy ako sa performance ng Join the Club. Sa kanila yung performance na di ko inexpect ay magugustuhan ko. Ang ganda ng version nila ng “Tatanda at lilipas rin ako…” Yung  kanta sa McDo commercial. Basta yun. Pero syempre mas natuwa ako nung kinanta na nila yung Nobela. Napatili kami ni M nung kinanta na nung lead singer yung , ” Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya..” Shet! Ang galing nya talaga! Tagos sa buto yung feelings. Isang araw ko ring pinaulit ulit. (P.S. Pinapakinggan ko siya ngayon habang sinusulat ko ito. At ayan mga ilang minutes rin akong nastall sa pagsusulat).

Hindi ko maalala kung sino sumunod sa kanila basta ang next big band na tumugtog ay ang UDD. (Woooh) na di namin inexpect na tutugtog ng ganoon kaaga (mga 11pm pa lang ata ng time na ito). Syempre excited ang lahat lalo na nung inanounce nung hosts na one hour daw kakanta ang UDD (syempre in reality mga 4o mins lang talaga). To be honest, di ako big big fan ng UDD, Tadhana at Oo lang ang alam kong kanta nila at first time ko sila napanuod ng live. Pero to be fair, sobrang galing kumanta ni Armi. As in sobrang ganda ng boses nya. Nung Tadhana na ang kumanta nakisabay lahat ng mga tao lalo na sa  “Ba’t di pa sabihin? Ang hindi mo maamin…” Dami talaga hugot ng mga tao. Sa aming tatlo enjoy na enjoy si M kasi fan talaga siya ng UDD.

Bale sa mga oras na iyon (malapit na ata mag 12pm o 1am, i can’t remember), tatlo banda na lang ang hinihintay namin – ang Cueshe, Silent Sanctuary, at Spongecola. Sobrang excited ako mapanuod ang Silent Sanctuary na kumanta ng live. Grade 6 pa lang fan na ako ng Silent Sanc. Sumunod na tumugto ang Cueshe afer UDD. Akala ko Silent Sanctuary na ang susunod. Nung una medyo naiirita pa ako kasi inaantok at nauuhaw na ako. Sabi ko tatapusin ko lang ang Silent Sanctuary tapos uwi na ako. Pero masaya naman pala panoorin ang Cueshe puro throwback songs kinanta nila gaya ng Stay at Sorry. At surprisingly, alam ko pa rin ang mga lyrics nila. Nung kinakanta na nila yung Ulan, di ko na talaga kaya uhaw na uhaw na ako. Sa may bandang likod na (tho medyo malayo) may nagtitinda ng water, sinabihan ko sina M na bibili lang ako. Di ko na talaga kaya ang uhaw. Shet! Di ko naman akalain na ang hirap para umalis sa mosh pit na yun. Ang daming tao nagagalit kapag dumadaan ako. After kong ipagtulakan ang aking sarili at makabili ng tubig kay Kuya, ang challenge naman ay makabalik sa pwesto ko. Shet!!! Mas mahirap para pabalik! As in di na ako makasingit. At mas aggressibo ang mga tao dito. Maglalakad lang ako sa harap nila sisigawa agad ng “Aray.” Eventually, nag give up na rin ako. Lowbat ako nun kaya di ko sila matext na uuwi na ako. Ayoko naman magstay sa isang gilid para lang mapanood ang Silent Sanctuary (baka may manyak na biglang tumabi at humila sa akin). So ayun umuwi na nga ako sa dorm (na mga 10 mins away lang from the Sunken Garden). Habang naglalakad pabalik sa dorm, naiinis ako sa sarili ko kasi di ko mapapanood ang Silent Sanc. Bakit ba kasi di ako bumili ng tubig bago lumapit dun sa gitna ng maraming tao. Pagdating ko sa dorm, chinarge ko ang phone ko at tinext sila na umuwi na ako. Nung di sila nagrereply, tinawagan ko sila. Nung una di sila sumasagot pero nung nakausap ko na sila at nasabing nakauwi na ako tinanong nila ako kung nabalitaan ko na daw yung nangyari. Sabi ko hindi ano ba nangyari. Hindi na pala tumugtog ang Silent Sanctuary at Spongecola. Nagkaroon daw ng problema with the organizers at sa mga banda. So in the end, okay na din pala na umalis ako kasi di ko naman pala sila mapapanood. Minsan talalaga may perfect timing ang mga bagay bagay.

P.S. Baka nagtataka kayo kung nasan yung lumilipad na condom sa kwentong ito. Isa kasi sa mga sponsors ng event yung *** condom so habang nagpeperform yung mga bands makikita mo sa screen  yung mga lumilipad na condom na pinalilipad at pinapapasa-pasa ng mga tao.

 

 

4 thoughts on “Ang mga banda, ang octopus, at ang mga lumilipad na condom

  1. Naku, na-trauma din ako noong sumakay ako sa octopus ride! Nasuka-suka pa ako nang slight sa damuhan tapos ‘yung mga ka-block ko, sige lang, picture lang. Bwiset haha. Nakakamiss ang UP! Enjoy ka habang nandyan ka pa! 🙂

    Like

Leave a comment