Swimming Lessons

antoinette jadaone, filmmaker, manila, ph

Grade 1 ako nung nag-swimming lessons ako sa Milo Sports Clinic sa Ultra. Hindi ako natutong mag-swimming. Pagkalipas ng anim na taon, habang nagtatampisaw ako sa isang 7-ft deep na swimming pool sa Laguna, muntik na akong malunod nung dumulas sa kamay ko ang gamit kong salbabida. Doon ako unang natutong mag-swimming. (Hindi ko na maalala kung freestyle ba yun o bobbing. Ang naaalala ko lang ay tubig at madaming bubbles sa mukha koButi na lang wala pang liwanag mula satunnel.) May mga bagay talaga na hindi kailangang ituro sayo para matutunan mo. Tulad ng kung gaano nakakahiyang malunod sa isang mababaw naswimming pool na may gamit na salbabida.

Grade 3 ako nung nag-singing lessons ako sa eskwelahan namin isang summer. Sabi ni Teacher, ang tamang pagkanta daw ay ang kumanta galing sa diaphragm, hindi galing sa throat. Kinanta ko…

View original post 881 more words