ahh bakit ngayon ko lang nabasa ito?

antoinette jadaone, filmmaker, manila, ph

hindi mo alam
pero madalas
naaalala kita.
at ang lahat ng
ipinadama mo
sa akin
na hanggang ngayo’y
hindi ko pa
naramdamang muli–
ang masabik, ang
magbilang ng
oras, minuto,
ng segundo,
ng kumpas ng relo
bago ka muli magpakita,
sa telepono, sa tawag, sa
kung saan mang naroon ka
at naroon ako,
at humudyat na
eto na
may permiso na tayo
ng isa’t isa
na mawala sa sandali, na
maniwala, na
umasa na
may naghihintay
sa dulo ng
sandaling ito

ngunit walang aamin
at walang umamin

na ito ay higit pa sa
isang laro, sa isang
pansamantala, sa isang
walang patutunguhan,
dahil pareho tayong takot
na masabihan ng
nahihibang ka na ba?, ng
hindi ka na ba nag-iisip?.

ngunit walang nakaaalam,
ni ikaw,
na mabigyan mo lang ako ng
hudyat, ng permiso
tulad ng
dati,
babalikan kita, at
magpapakahibang
ako, tayo
at hindi mag-iisip,

lumigaya lang muli.

View original post

Hinga (aka my failed attempt at joining a writing contest)

Hinga. Ipikit mo ang iyong mga mata at huminga ka. Napapagod Nanghihina Naguguluhan Nababalisa Ipikit mo ang iyong mga mata at huminga ka Kumakabog ang dibdib Tumutulo ang luha Kinakapos ng hininga Naghahabol Tumatakbo Naglalakbay Nangangapa Ipikit mo ang iyong mga mata at huminga ka Nalulunod Lumulubog Lumulutang Kinakapos ng hininga Hinihila pababa ang sarili … Continue reading Hinga (aka my failed attempt at joining a writing contest)